-- Advertisements --

Mayroong mahigit na 30,000 na mga traditional jeepneys sa Metro Manila ang hindi pa na-consolidate.

Ayon sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aabot sa 73.5 percent o katumbas ng 31,058 na traditional jeep ang kailangan ma-consolidate bago ang Disyembre 31 na deadline para sa consolidation ng mga public utility vehicles bilang bahagi ng PUV Modernization Program.

Sakaling hindi ma-consolidate ang mga ito ay pinangangambahang mawawalan sila ng prankisa kapag natapos na ang deadlines.

Aabot naman sa 66% na mga jeepneys ang hindi rin nakapag-consolidate sa Calabarzon at 63 percent naman sa Zamboanga, Peninsula.

Base rin sa nationwide data na mayroong 30 percent ng mga jeepney units ang kailangan pang mag-comply sa consolidation deadlines.

Magugunitang sinabi mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi na sila magbibigay pa ng extension kapag natapos na ang consolidation deadlines.