-- Advertisements --
Aabot sa 30,000 na mga katao ang inaasahan lalahok sa “Trillion Peso March” sa EDSA ngayong Setyembre 21.
Sinabi ni Caritas Philippines president Bishop Jose Colin Bagaforo na isinasapinal na nila ang paghahanda kasam ang mga lider ng simbahan,grupo ng mga mag-aaral at civic organization para sa anti-corruption protest.
Sinabi ni Bagaforo, na magsisimula ang programa sa Luneta o Rizal Park ang parada ng alas-9 ng umaga bago magtutungo sa EDSA People Power Monument sa lungsod ng Quezon pagdating naman ng hapon.
Dagdag pa nito na maaring madagdagan pa ang nasabing bilang dahil may ilang mga grupo ang nagpahayag pakikipag-isa.