-- Advertisements --
image 392

loop:

Nagbabala ngayon sa publiko ang Land Transportation Office hinggil sa pagmamaneho ng mga motor vehicle na mayroong mga sira-sirang bahagi.

Ito ay matapos na makapagtala ang ahensya ng 3,045 traffic violators sa ikatlong quarter ng taong 2023.

Ayon kay LTO Regional Director Roque Verzosa III, kabilang sa mga ito ay ang nasa 587 na kabuuang bilang ng mga motoristang nagpapatakbo pa rin ng mga motor vehicles nang may sira-sirang accessories, devices, equipments, at bahagi na malinaw na paglabag Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Regional Law Enforcement Unit at District Law Enforcement Teams, lumalabas na karamihan sa mga lumabag na ito ay na-ticket-an na para sa paglabag sa iba’t ibang probisyon ng Republic Act 4136, kabilang ang 105 na nabigong dalhin ang kanilang registration owner. o certificate of registration (OR/CR), 76 na nagpatakbo ng hindi rehistradong sasakyang de-motor, 70 para sa walang ingat na pagmamaneho at 57 para sa hindi pagpansin sa mga palatandaan ng trapiko.

Bukod dito ay nasa 587 na mga motorista rin ang arestado nang dahil sa hindi pagsusuot ng seat belt; 76 ang na-ticket-an dahil sa hindi pagsusuot ng standard protective motorcycle helmet; habang siyam pa ang binanggit sa paglabag sa RA 10666, o Children Safety on Motorcycle Act; at tatlo pa dahil sa paglabag sa RA 10193, ang Anti-Distracted Driving Act.

Kaugnay nito ay muli ring iginiit ng LTO na mahalaga ang pagsunod sa mga itinakdang safety standards ng ahensya upang masiguro ang kaligtasan ng mga driver at pasahero nito.