Umakyat na sa mahigit tatlong libong mga aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa ilang bahagi ng Surigao del Sur matapos ang pagtama ng magnitude 7.5 na lindol sa lugar.
Batay sa pinakahuling monitoring na inilabas ng kagawaran, pumalo na sa kabuuang 3,336 na mga aftershocks na ang kanilang naitatala sa lugar buhat nang mangyari ang naturang malakas na pagyanig.
Samantala, sa bukod na tala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa ngayon ay nasa 132,615 na mga pamilya o katumbas ng 528,203 katao na ang apektado ng nasabing lindol.
Habang nasa 8 pamilya o 28 indibidwal nama ang kasalukuyang nanunuluyan ngayon sa mga itinalagang evacuation center ng pamahalaan.
Nasa 304 naman ang bilang ng mga kabayahang natukoy na totally damage kung saan nasa 283 dito ay naitala sa CARAGA, 16 sa Davao region, at lima naman sa Northern Mindanao.