-- Advertisements --
cropped farmers 4

Tinatayang aabot sa mahigit 2 million ektarya ng pananim ang maaaring maapektuhan dahil sa pananalasa ng bagyong Goring ayon sa Department of Agriculture (DA).

Base sa situation bulletin ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng DA nitong nakalipas na araw, Agosto 29, nasa kabuuang 2,150,881 hectares ang lawak taniman na maaaring maapektuhan dahil sa bagyo.

Kabilang dito ang mahigit 1.6 million ektaray ng palayan habang nasa mahigit 500,000 ektarya naman ng maisan ang posibleng masalanta dahil sa bagyo.

Ayon sa DA, posibleng maramdaman ang epekto ng bagyo sa CAR at sa Region 1 hanggang 8 kaya naman kasalukuyang pinaghahandaan na ito ng ahensiya.

Kasama na dito ang pag-activate ng DA Regional DRRM Operations Centers, pagbibigay ng mga abiso sa mga magsasaka at mangingisda na maaapektuhan ng bagyo, pagsumite ng Situationer Reports partikular na sa mga agricultural areas mula sa Regional Field Office ng DA, pag-posisyon ng mga binhi para sa bigas at mais, gamot at biologics para sa livestock at poultry sa mga ligtas na storage facilities upang handang ipamahagi sa mga maapektuhang magsasaka

Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa DOST at iba pang National at Regional Disaster Risk Reduction and Management-related offices at sa mga lokal na pamahalaan para sa posibleng epekto ng bayo.