-- Advertisements --

Nagluluksa ngayong ang dating childstar at singer na si Ice Seguerra dahil sa pagpanaw ng inang si Caridad Yamson Seguerra o kilala bilang si Mommy Caring.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ng singer ang pagpanaw ng ina nitong Biyernes Hunyo 27, 2025 ng 7:45 ng umaga.

Hindi na binanggit nito ang sakit o sanhi ng kamatayan ng ina.

Mula sa pagsisimula pa kasi ng dating child actress hanggang sa pagiging singer ay kasama na niya ang ina.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa fans ng singer at mga kasamahan nito sa showbiz industry.