-- Advertisements --

Nanawagan ang singer na si Ice Seguerra at Liza Diño sa publiko na huwag irecord ang kanilang mga konsyerto.

Kasunod sa pagpost ng ilang concert goers sa kanilang social media ng kaniyang “Sessionistas: The Playlist” concert.

Sa nasabing concert ay kasama sina Nyoy Volante, Kean Cipriano, Duncan Ramos, Sitti, Princess Velasco, at Juris.

Pinasalamatan ng singer ang mga fans na nagrerecord lamangng short videos o highlights ng kanilang mga shows.

Subalit ang hindi niya nagustuhan ay ang pag-upload ng buong video ng kaniyang konsiyerto.

Mahalaga na protektahan ang gawa ng mga musicians , composers, producers, publishers at crew members.

Hiniling nito sa mga nag-upload ng buong show na kung maaari ay tanggalin na ang nasabing mga videos.

Habang sabi naman ni Diño na ang nasabing hakbang ay nakakabahala na tila hindi na nirespeto ang hirap ng mga crew para maisagawa ang konsiyerto.