Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na mahigit 273,000 kandidato ang naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa unang araw ng COC filing.
Sa consolidated daily report ng Comelec, nasa 672,016 posisyon ang bukas para sa BSKE para sa kabuuang 42,001 barangays sa 81 mula sa 82 probinsiya dahil wala pang data ang poll body para sa South Cotabato.
Ayon pa sa poll body, kabuuang 273,454 ang naghain para sa bawat elective position.
Sa nasabing bilang, 21,657 ang naghain para posisyon bilang Punong barangay at 143,638 naman ang naghain ng COC para sa Sangguniang Barangay member.
Para naman sa SK Elections, 17,085 kandidato ang naghain ng COC para sa SK chairman habang 91,074 ang naghain ng COC para sa SK member.
Magtatagal pa ang paghahain ng COC hanggang sa araw ng Sabado, Setyembre 2 mulansa oaras na 8am hanggang 5pm.