Kabuuang 2,586 poll workers ang nakatanggap ng kanilang dagdag honoraria kaugnay sa pag-extend ng kanilang mga oras sa ginanap na halalan noong Mayo 9.
Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na nasa P5,172,000 na additional honorarium ang nailabas ng kanilang kagawaran noong Setyembre 7.
Lahat ng nasabing bilang ay nakatanggap ng tig-P2,000.
Ang mga poll worker ay binubuo ng mga miyembro ng Electoral Boards (EBs), support staff, DepEd Supervisor Official (DESO), at DepEd Supervisor Official (DESO) Technical Support Staff.
Noong Mayo 13, sinabi ni Acting Spokesperson John Rex C. Laudiangco na hiniling ni Garcia sa Commission En Banc na aprubahan ang karagdagang honoraria para sa mga miyembro ng Electoral Boards (EB) na nagsilbi ng extended hours.
Naglabas pa si Garcia ng memorandum para himukin ang mga kapwa niya komisyoner sa Comelec na payagan ang pagbibigay ng karagdagang honoraria sa mga miyembro ng Electoral Boards.