Iniulat ng isang United Nations High Commissioner for Refugees na umabot na sa mahigit 2,500 na mga migrants ngayong taon ang naitalang nasawi o nawawala sa kasagsagan ng kanilang pagtatangkang tumawid sa Mediterranean hanggang Europe.
Ang naturang bilang ay malaki ang itinaas kumpara sa mahigit 1,680 katao na naitalang namatay o nawawala sa kaparehong panahon noong taong 2022.
Sa ulat, nananatiling “world’s most dangerous” ang paglalakbay mula sub-Saharan African countries patungong Tunisian at Libyan coasts dahilan kung bakit nanganganib ang kaligtasan ng sinumang nagtatangkang tumawid dito.
Samantala, sa kabuuang datos ay umabot na sa 186,000 katao ang nakarating sa southern Europ mula noong Enero hanggang Setyembre 24 sa pamamagitan ng sea travel na dumaong sa Italya, Greece, Spain, Cyprus at Malta.
Majority sa mga ito ay nasa higit 130,000 katao, ay dumating sa Italya na may katumbas na pagtaas ng 83 porsyento kumpara sa una nang naitala sa parehong panahon noong 2022.
Sa pagitan ng Enero at Agosto ng taong ito, tinatayang higit sa 102,000 refugee at migrante ang sinubukang tumawid sa Mediterranean mula sa Tunisia at 45,000 mula sa Libya.
Habang tinatayang 31,000 katao ang nasagip sa dagat na bumaba sa Tunisia at nasa 10,600 sa Libya.