-- Advertisements --
Umabot sa mahigit 250,000 na mga Ukrainian refugees ang nag-apply ng special long-term visas sa Czech Republic.
Ayon sa Czech Ministry of the interior, aabot sa 251,713 na mga Urkainians ang nag-applay ng visas para siya manirahan sa kanilang bansa.
Nagsimulang mag-apply ang mga ito mula ng maglunsad ang Russia ng giyera sa Ukraine nitong Pebrero.
Bumaba na rin ang mga naitalang refugees na dumarating kada araw dahil dati ay mahigiit 3,000 na dumarating, ngayon naman ay mayroong halos 2,000 lamang .
Hindi na rin hinahanapan ng gobyerno ng Czech Republic ng visas ang mga dumarating na mga Ukrainians.