-- Advertisements --
image 237

Inaasahang muling dadagsain ng mga international cruise ship ang Subic Freeport matapos ang ilang taong naging epekto ng pandemiya.

Batay sa huling datus ng Subic Bay Metropolitan Authority, 11 international cruise ships ang nakatakdang dumaong at manatili ng ilang araw sa naturang pantalan

Ang pinakauna rito ay ang isang luxury vessel na inaasahang dadaong sa Nobiembre-21.

Naniniwala si Subic Bay Metropolitan Authority Chairperson and Administrator Jonathan Tan na magiging malaki ang ambag nito sa kabuuang turismo sa bansa.

Ang labing-isang cruise ship na ito ay inaasahang magdadala ng hanggang 20,000 na turista sa buong bansa, pangunahin na sa probinsya ng Zambales.

Maalalang naglabas ang Malakanyang ng Executive Order No. 271 at 72 na nagbibigay pahintulot sa mga dayuhang turista na maaaring mamalagi pansamantala sa Subic Bay Freeport Zone.

Ang mga ito ay ikinukunsidera bilang temporary visitors at binibigyan sila ng 14 days upang manatili sa bansa.