-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 na 2,230.
Dahil dito, pumalo na rin ang total nationwide caseload sa 3,906,269.
Base sa pinakahuling data ng DoH, ang active cases naman ay bahagyang bumama mula sa 25,684 cases mula sa dating 26,074 cases noong Sabado.
Ito na ang ika-labinlimang sunod na araw na mas mababa sa tatlumpung libo ang active infections.
Ang bilang naman nga mga naka-recover ay nasa 3,818,281 habang ang death toll ay lumobo sa 62,304 matapos madagdagan ng labing anim na patay.
Ayon sa DoH, abg rehiyon na mayroong pinakamaraming kaso sa loob ng dalawang linggo ay ang National Capital Region na mayroong 9,182 cases, Calabarzon, 3,854 at Central Luzon na may 2,385.