Nakapagtala ang Pilipinas ng 2,114 na bagong kaso ng COVID-19, ayon sa DOH.
Binigyang diin ng nasabing departamento na ito na ang pinakamataas na daily tally sa loob ng mahigit anim na buwan.
Ayon sa monitoring ng mga awtoridad, ito rin ang pinakamataas na daily tally mula noong October 20, 2022, kung kailan 2,227 kaso ang naiulat.
Ang nationwide caseload ay kasalukuyang nasa 4,111,028, habang ang aktibong tally ay tumaas sa 15,114 mula sa 13,964.
Dagdag dito, ang bilang ng mga nakarecover ay tumaas sa 4,029,461, habang nanatili sa 66,453 ang bilang ng mga nasawi.
Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 8,164.
Sinundan ng Calabarzon na may 4,313, Central Luzon na may 1,331, Western Visayas na may 965, at Bicol Region na may 661.