-- Advertisements --
image 40

Pumanaw ang nasa mahigit 200 na katao sa Iran, dahil sa naganap na protesta sa buong bansa sa pagkamatay pa rin ni Mahsa Amini.

Si Amini na isang Iranian ay namatay noong September 16 matapos siyang arestuhin sa Tehran dahil sa umano’y paglabag sa dress code ng Islamic republic para sa mga kababaihan.

Sinabi rin ng security council na ang bilang ng karagdagan namatay dahil sa karahasan ay nagdulot ng milyun-milyong dolyar na pinsala.

Ang non-government organization o Iran Human Rights na nakabase sa Oslo ay nagsabi na hindi bababa sa 448 katao ang “pinatay ng mga security forces sa nagpapatuloy na mga protesta sa buong bansa.

Una rito, noong nakaraang linggo mahigit 14,000 katao na kabilang ang mga bata ang naaresto dahil sa pag protesta