-- Advertisements --
Mahigit 200,000 Russian citizens ang nagtungo sa Kazakhstan.
Ito ay matapos ang anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin ng partial mobilization order.
Sinabi ni Kazakh Interior Minister Marat Akhmetzhanov na sa nasabing bilang ay mayroong mahigit 147, 000 ang umalis na mula pa noong Setyembre 21.
Mayroon ding mga 68 Russians ang nag-apply na maging Kazakh citizenship.
Magkatabi lamang kasi ang Russia at Kazakhstan na mayroong 7,000 kilometers ang haba ng kanilang border.