-- Advertisements --
Nasa mahigit 200,000 na mga Russians ang tumawid sa iba’t-ibang bansa mula ng ianunsiyo ni President Vladimir Putin ang partial mobilization.
Karamihan sa mga ito ay nagtungo sa Georgia, Kazakhstan at Europa.
Sa Kazakhstan lamang ay mayroong mahigit 100,000 Russians ang tumawid habang 53,136 naman ang tumawid sa Georgian-Russian border mula Setyembre 21 hanggang 26.
Nasa 66,000 naman na Russians ang tumawid sa European Union countries mula Setyembre 19 hanggang 25.
Ang nasabing bilang ay hindi pa kasama sa Mongolia at Armenia.
Magugunitang nagdulot ng kilos protesta at paglayas ng mga lalaking Russian ang naging kautusan ni Putin na partial mobilization laban sa Ukraine.