-- Advertisements --
Nasa kabuuang 220 banyaga ang pinagbawalang makapasok sa Pilipinas at inilagay sa blacklist noong Marso 2024.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nasabing mga banyaga ay hindi pinapahintulutang pumasok sa bansa matapos na napatunayang lumabag ang mga ito sa Philippine Immigration Act of 1940.
Kabilang sa mga blacklisted na ang 150 Vietnemese, 30 Chinese national at 14 na Indonesian.
Binigyang diin naman ng BI na hindi tinatarget ng BI ang partikular na nasyonalidad.
Sa kaso aniya ng 150 Vietnamese, ipinaliwanag ni Comm. Tansingco na tumaas ang bilang ng mga pinagbawalan bunsod ng pagtaas ng bilang ng Vietnamese nationals na nadiskubreng nagtratrabaho sa illegal online gaming hubs.