Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pag commission sa dalawang bagong warship ng Philippine Navy sa ginanap na commissioning rites kaninang umaga sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales.
Ang dalawang bagong navy assets ay ang guided missile frigate ang BRP Miguel Malvar (FFG-06), at ang Acero-class fast attack interdiction craft ang BRP Albert Majini (PG-909).
Ang BRP Miguel Malvar (FFG-06) ang una sa dalawang barko na ginawa ng South Korean shipbuilder HD Hyundai Heavy Industries.
Habang ang BRP Albert Majini (PG-909) ay ginawa locally sa Philippine Navy’s Cavite Naval Shipyard sa tulong ng contractor mula sa Israel Shipyards.
Kapwa equipped ng missile-armed ang dalawang bagong barko ng hukbo.
Naniniwala ang Philippine Navy na malaking bagay sa kanilang mandato ang dagdag na navy assets.
Sa kabilang dako, inihayag ni Phil. Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Ezpeleta na malaki ang papel ng hukbo para bantayan ang soberenya ng bansa.