-- Advertisements --
MAYON VOLCANO

Naitala ang hanggang 21 volcanic earthquake sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay batay sa nagpapatuloy na monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kung san pinakamarami ang naitalang sampung volcanic tremors na tumagal mula tatlo hanggang 36 na minuto.

Maliban sa mga volcanic tremor, naitala rin ang hanggang 186 rockfall event sa nakalipas na 24 oras, kasama na ang isang pyroclastic density current sa bulkan.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglabas ng lava mula sa crater ng naturang bulkan.

Kahapon, naitala rin ang pagbuga nito ng sulfur dioxide na umabot ng hanggang sa 1,084 tonelada.

Nananatili naman ang naturang bulkan sa Alert Level no.3