-- Advertisements --

Nasa 21 katao ang nasawi matapos ang hostage taking ng mga armadong suspek sa isang hotel sa Somalia.

Umabot sa 30 oras ang nasabing hostage taking kung saan nailigtas ang 106 katao na naipit sa nasabing insidente.

Gumamit ng dalawang car bomb ang mga suspek kaya sila nakapasok sa Hayat Hotel sa Mogadishu.

Inako naman ng Islamist militant group na al-Shabab ang nasabing hostage taking.

Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa may mga nasa malubhang kalagayan pa ang ibang mga biktima na itinakbo sa pagamutan.

Ito ang itinuturong unang insidente mula ng maupo sa puwesto sa Somalia President Hassan Sheikh Mohamud noong Mayo.