Umabot daw sa 2,000 legal practitioners mula Luzon, Visayas at Mindanao ang nakibahagi sa Ethics Caravan para sa Proposed Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).
Isinagawa ito ng Supreme Court (SC) mula Setyembre 2022 hanggang Enero 2023.
Ipinakilala sa five-leg Ethics Caravan na pinangunahan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang panukalang Code of Professional Responsibility and Accountability at ang mga salient provisions sa mga stakeholders maging sa general public.
Ito ay bilang bahagi ni pagsisikap ng Korte Suprema na ma-update ang 34-year old Code of Professional Responsibility (Code) at bumalangkas ng moderno, napapanahon at responsive guide para sa lawyers’ conduct.
Una nang sinabi ni Supreme Court (SC) Associate Justice Maria Filomena Singh na naging mainit daw na topic ang panukalang revised Code of Professional Responsibility and Accountability sa mga abogado.
Ani Singh ang “dating” relationship daw ay consistent top grosser kapag nagtutungo ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang panukalang amendments ay kinabibilangan ng Section 15 sa prohibition laban sa dating at romantic relations sa kanilang mga kliyente.
Nakasaad ditong ang mga abogado ay hindi dapat nakikipag-date, may romantic o sexual relations sa kanilang mga kliyente sa kasagsagan ng engagement.
Maliban na lamang daw kung ang consensual relationship ay nangyari bago ang lawyer-client relationship.
Sa mga isinagawang caravan, ipinaliwanang ni Singh kung bakit kasali ang naturang probisyon.
Ilan daw sa mga abogado ay sang-ayon habang ang iba naman ay pinanatili ang kanilang mga reservation sa naturang provision.
Dagdag ni Singh, ang rason kung bakit nagsasagawa ang mga ito ng caravan sa iba’t ibang panig ng bansa ay para konsultahin ang lahat ng mga stakeholder.
Siniguro ng mahistrado na ang naturang probisyon ay poprotekta hindi lamang sa mga abogado kundi pati sa kanilang mga kliyente.
Nagsimula ang caravan noong September 14, 2022 sa University of San Carlos, Cebu for Regions VI, VII, VIII at ang probinsiya ng Palawan.
Sumunod dito ang Davao City noong October 24, 2022 para sa mga Regions IX, X, XI, XII at CARAGA, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Noong Nobyembre 10, 2022 naman ay isinagawa ang caravan sa Naga City para sa Regions IV-B at V at Baguio City noong January 11, 2023 para naman sa Regions I, II, Cordillera Administrative Region (CAR) at sa Manila mppmg Enero 27, 2023 para naman sa National Capital Region (NCR).
Ang konsultasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipagharap sa mga stakeholders habang sa mga malalayong lugar ay idinaan naman sa videoconferencing.
Umabot sa 1,149 participants ang lumahok sa onsite at 1,227 naman online.
Ang mga miyembro ng Supreme Court Sub-Committee for the Revision of the Code of Professional Responsibility ay pinangunahan ni Chairperson Justice Amy C. Lazaro-Javier at Co-Vice Chairpersons Justices Samuel H. Gaerlan at Maria Filomena D. Singh.