-- Advertisements --
Philippine Airmen, U.S. Marines conduct subject matter expert exchange during KAMANDAG 3

Humigit-kumulang 2,600 Philippine at US Marine Corps personnel ang sasali sa edition ngayong taon ng “Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat” o Kamandag exercises.

Ang nasabing pagsasanay ay magsisimula sa Nob. 9 -17 para mapahusay ang interoperability ng dalawang pwersa.

Sinabi ni Philippine Marine Corps deputy commandant at “Kamandag” exercise director, Brig. Gen. Jimmy Larida na nasa 1,732 Filipino Marines ang lalahok, kasama ang 902 US Marine Corps troops.

Kasama rin sa ehersisyo ang 57 tauhan ng Republic of Korea Marine Corps at 50 tauhan ng Japan Ground Self-Defense Force.

Samantala, walong tauhan mula sa United Kingdom (UK) ang magmamasid o magiging observer sa taunang ehersisyo sa unang pagkakataon.

Inaasahang magaganap ang mga aktibidad ng “Kamandag” sa iba’t ibang lokasyon sa Luzon at Mindanao.

Ayon kay Larida, ang mga pagsasanay ay naglalayong pahusayin ang bilateral cooperation at interoperability ng mga kalahok na pwersa sa pagsasagawa ng mga tactical operation.