-- Advertisements --
image 111

Nadetect sa Pilipinas ang panibagong mahigit 1,000 kaso ng Omicron subvariants.

Base sa latest COVID-19 biosurveillance report ng Department of Health (DOH) na nasa 1,251 ang kaso ng omicron subvariant XBB, 46 ay BA.2.3.20, 35 ay BA.5 at 6 na XBC, 3 kaso ng BA.2.75, 1 case ng BA.4, at 40 naman ang nagpositibo sa iba pang omicron sublineages.

Ayon sa DOH ang lahat ng nadetect na kaso ng XBB subvariants ay local cases mula sa lahat ng rehiyon maliban lamang sa Region 6 habang ang mga positibo naman sa BA.2.3.20 ay mula sa Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 7, 11, 12, CAR, Caraga, at NCR.

Naitala naman ang mga bagong kaso ng BA.5 mula sa Regions 1, 2, 3, 4A, 5, 7, CAR, at NCR, habang may ang mga pasyente na dinapuan naman ng XBC sibvarint ay mula sa Regions 1, 12, at NCR.

Ang tatlong kaso naman ng BA.2.75 ay nadetect sa Regions 4B, CAR, at NCR, at ang isang BA.4 case ay na-detect sa Region 4B.

Sa kabuuan mayroong 4.166 million Pilipino ang naitalang nagpositibo na mula sa COVID-19 simula ng tumama ito sa bansa kung saan mahigit 66, 000 ang nasawi.