-- Advertisements --
image 700

May kabuuang 172,928 katao na ang naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa karagatan ng Oriental Mindoro, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Karamihan sa mga naapektuhan ay mga residente ng Mimaropa na may 138,043 katao.

7,740 katao naman ang naapektuhan ng oil spill sa Calabarzon at 27,145 ang naapektuhan sa Western Visayas.

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang 7,740 katao ay mula sa Batangas City.

Mula noon ay nakapagbigay na ang ahensya ng kabuuang P1.5 million na halaga ng humanitarian assistance sa lugar.

Sa usapin ng mga pinsala, 203 katao ang naiulat na nagkasakit mula sa tumagas na langis.

16,930 mangingisda ang naapektuhan ng oil spill, na may kabuuang kabuuang P263,556,100 na halaga ng pagkalugi sa produksyon ng pangingisda.