Magkakasa ng kilos protesta ang nasa mahigit 155,000 public servants ng bansang Canada sa darating na Miyerkules.
Ito ang babala ng mga grupo ng manggagawa sa nasabing bansa sakaling hindi makarating sa gobyerno ng Canada ang kanilang mga panawagan.
Sa ulat, ito ay sa kadahilanang nagtatrabaho umano ang mga empleyadong ito mula sa mahigit 20 mga departamento kabilang na ang Canada Revenue Agency nang walang kontrata mula pa noong taong 2021.
Ayon sa National President ng Public Service Alliance of Canada na si Chris Aylward, nararapat lamang sa mga manggagawang katulad nila ang pasahuran ng patas at bigyan ng disenteng working conditions.”
Aniya, dalawang taon na raw silang naghihintay ng pagbabago at hindi na aniya sila makakapaghintay pa ng mas matagal dahilan kung bakit sila ay nakikipagnegosasyon ngayon sa gobyerno.
Kaugnay nito ay nagbabala ang naturang mga manggagawa na kapag hindi nakatugon ang kanilang pamahalaan hanggang alas-9 ng gabi ng Martes, ay magkakasa sila ng national general strike simula alas-12:01 ng Miyerkules.