-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 153,000 na mga pamilya na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang matatanggal na sa listahan ngayong taon.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na karamihan sa mga anak ng mga ito ay nasa edad 19-anyos na habang ang iba ay nakapagtapos na ng pag-aaral noong 2020.

Nakasaad kasi sa implementing rules and regulations ng Republic Act 11310 o 4Ps Act na hindi na kasama sa benepesaryo kapag ang anak ay 19-anyos na, nakapagtapos na ng high school at naabot na ang pitong taon na tagal sa programa.

Dagdag pa ng DSWD na ngayon taon ay mayroong 423,325 na mga bata naman at youth beneficiaries ang magtatapos na sa highschool.

Noong nakaraang Disyembre 2020 ay mayroong naitala ng DSWD na 4.3 milyon na 4ps members sa buong bansa.