-- Advertisements --
ukraine3 1

Umaabot sa mahigit 15,000 katao ang napaulat na missing o nawawala sa gitn ang nagpapatuloy na giyera sa Ukraine ayon sa International Commission on Missing Persons (ICMP).

Ayon kay ICMP’s program director for Europe, Matthew Holliday, hindi malinaw kung ilan ang buhay pa o sa kasamaang palad ay namatay na pwersahang inilipat at dinakip ng mga Russian patungo sa kanilang detention facilities.

Saad nito na aabutin ng ilang taon ang proseso ng imbestigasyon sa nawawalang indibidwal sa Ukraine kahit matapos na ang giyera.

Ang sinabi nitong bilang na 15,000 na missing persons ay conservative pa gayong sa port city na lamang ng Mariupol ay tinatayang nasa 25,000 katao na ang namatay o di naman kaya ay nawawala.

Sa kyiv, sinimulan na ng ICMP ang pagkolekta ng DNA samples at pinabibilis na ang kapasidad para sa multi-year process na makakatulong sa mga prosecutors sa pagbusisi sa war crimes cases.

Ginawa nito ang naturang pahayag kasunod ng pag-demand ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky sa United Nations na panagutin ang Russia dahil sa paglulunsad nito ng air strikes sa mga civilian infrastructure.