-- Advertisements --
Ilang katao na nasawi matapos na dumanas ng matinding init ang Canada.
Nagtala ang Vancouver police ang mahigit 130 sudden deaths mula pa noong nakaraang Biyernes.
Karamihan sa mga nasawi ay mga may edad na at mayroong taglay na karamdaman.
Nabasag kasi ng Canada sa loob ng tatlong magkakasunod na araw ang 49.6C na temperatura sa Lytton, British Columbia.
Nanawagan ang mga otoridad sa mga mamamayan nila na iwasan ang paglabas sa kanilang bahay at ugaliing uminom ng maraming tubig.