-- Advertisements --

Mayroong mahigit 13,000 na mga kapulisang ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipinakalat ngayong Holiday season.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel Estomo na ginagarantiyahan niya na ang regional offices at ang limang police districts na Northern Police District, Quezon City Police District, Manila Police District, Eastern Police District, at Southern Police District ay handa sa anumang responde sa mga iba’t-ibang kaganapan sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Ang nasabing mga kapulisan ay ilalagay aniya sa mga pangunahing lugar gaya ng mga malls, simbahan, palengke, terminals at mga lugar kung saan maraming mga tao.

Sa bawat simbahan aniya ay may mga itinayong outpost para mabantayan ang sinumang maghasik ng krimen sa tuwing isinasagawa ang tradisyunal na Simbang Gabi.