-- Advertisements --
image 485

Aabot sa 129, 059 benepisyaryo na nagsasaka ng 158, 209, 094 ektarya ng lupa na hindi naisama sa unang condonation law ang makikinabang sa bagong Executive order No.40 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapalawig ng agrarian debt moratorium ng dalawa pang taon.

Ayon kay Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III, ginawa ang natirang EO para matulungan ang mga agrarian reform beneficiaries na hindi sakop ng New Agrarian Emancipation Act, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng dalawang taong moratorium para sa kanilang amortization fees at penalties.

Ipinaliwanag din ng kalihim na hindi naisama ang mga ito sa bagong batas dahil layunin ng Kongreso na obserbahan muna ang flow o magiging daloy ng batas.

Magiging epektibo ang moratorium hanggang Setyembre 13, 2025.