-- Advertisements --

Mahigit 1,200 flights sa US ang nakansela dahil sa banta ng bagyong Nicole.

Ang nasabing bagyo ay unang nag-landfall sa Florida na may dalang hangin na 75 miles per hour.

Sa US lamang ay aabot sa 1,226 flights ang kinansela sa domestic at international flights.

Una ng nagkansela nitong Miyerkules ang Orlando International Airports ng 900 flights.

Maraming mga establishimento rin ang isinara dahil sa pananalasa ng nasabing bagyo.

Unang itinaas sa category 1 hurricane ang bagyo na may 75 mph at ng mag-landfall ito sa Vero Beach ay ibinaba ng National Hurricane Center ito sa tropical storm.