-- Advertisements --
image 277

Sumampa na sa 10,894 indibidwal ang apektado sa Northern Luzon dahil sa hagupit ng nagdaang bagyong Obet.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 9,974 indibidwal ang naapektuhan na nagmula sa 51 barangays sa Cagayan Valley.

Sinundan ito ng 800 katao o 249 na pamilya sa Cordillera Administrative Region (CAR), at 120 katao o 35 na pamilya sa Ilocos Region.

Nasa mahigit 518 katao o katumbas ng 155 pamilya ang nanatili sa 10 evacuation centers, habang nasa 746 katao o 189 na pamilya ang nananatili sa labas ng evacuation centers.

Hindi naman bababa sa 1,063 indibidwal o 331 pamilya ang inilikas sa Cagayan Valley dahil sa “Obet.”

Bilang resulta sa pananalasa ng bagyong Obet, anim na insidente ng pagbaha ang naitala, dalawang pagguho ng lupa na dulot ng malakas na ulan, siyam na kalsada sa Cagayan at apat sa CAR hindi madaanan hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ng NDRRMC may kabuuang P66,570 halaga ng tulong ang naibigay sa mga apektadong residente sa Ilocos Region at CAR.