-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umabot sa 1,084 ang naitala na dengue cases sa lungsod ng Heneral Santos kung saan 467% na mas mataas ito kumpara sa nakaraang 2022 na nakatala ng 196 dengue cases.

Ayon kay Dr. Lalaine Calonzo, Department head ng Gensan City Health Office na patuloy ang pagsisikap ng kanhing tanggapan ngunit hinihikayat pa rin ang partisipasyon ng bawat isa upang malabanan ang nasabing sakit.

Kinumpirma nito na nagkaroon ng siyam na dengue cases mula sa Barangay Baluan kung saan ang mga ito ay nasa Dr. Jorge Royeca Hospital at patuloy na inobserbahan kahit na bumubuti na ang kalagayan.

Habang noong isang Linggo ay mayroong anim na dengue cases ang naitala sa Purok Matatag Barangay Buayan nitong lungsod.

Inihayag ni Dr. Calonzo nagmula sa mga malalaking barangay sa Gensan ang mga naitang dengue cases kung saan kinabibilangan ng Calumpang, sinundan ng San Isidro, Lagao, Fatima, Bula, Labangal , Apopong at Mabuhay.