Aabot sa mahigit 1,000 mga turista ang inilikas dahil sa patuloy na pananalasa ng wildfire sa Turkey.

Isinakay na sa bangka ang mga turista na bumisita sa Bodrum para mabilis na sila ay mailigtas.

Mula pa noong nakaraang linggo ay aabot na sa mahigit walong katao ang nasawi dahil sa wildfire.

Hindi bababa sa 100 wildfire na ang naitala sa Manavgat, Turkey.