-- Advertisements --

Napilay ang 102 katao matapos ang banggaan ng dalawang subway train sa Beijing.

Mahigit 500 katao naman ang dinala sa pagamutan matapos ang insidente.

Naganap ang insidente sa Changping subway line kung saan dahil sa matinding pag-ulan ng yelo kaya naganap ang aksidente.

Bagamat madalang ang pangyayari ay ang itinuturong dahilan ng aksidente ay dahil sa madulas na riles.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.