Pinuri ni Senate Committee on Migrants Workers Chairperson Raffy Tulfo ang mga sakripisyo ng mahigit sampung milyong Pilipino na nasa iba’t-ibang parte ng mundo.
Nitong Lunes, inimbitahan si Tulfo ng Department of Foreign Affairs (DFA) bilang tagapagsalita sa ginanap na Filipinas Ultramar Symposium na kung saan tinalakay ang Filipino diaspora. Sila ang mga migranteng Pinoy na nagsusumikap at naninirahan sa ibang bansa.
Ayon sa senador, marami sa Pilipino ang piniling magtrabaho at manirahan sa ibang bansa para sa mas magandang oportunidad at upang maiahon na rin ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Sinabi rin ni Tulfo na ang Filipino diaspora, kabilang na ang mga OFW, ay nakapagbibigay ng malaking ambag sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan dahil sa kanilang kasipagan at talento. At malaki rin ang kontribusyon nila sa paglago ng ekonomiya ng sarili nating bansa dahil naman sa kanilang remittances.
Dahil dito, patuloy naman na makikipag-usap sa DFA, DMW, OWWA at iba pang ahensya ng gobyerno ang senador upang i-explore ang mga posibilidad na magamit ang kanilang mga natutunan sa bansang kanilang pinagtrabahuhan at madala ito at mapakinabangn naman ng gobyerno sa pamamagitan ng work integration.
Top