May kabuuang 10,867 na nakapagtapos ng kursong abugasya ang inaasang sasabak sa Bar examinations ngayong taon.
Ito ay batay sa inisyal na listahan ng Korte Suprema.
Gayonpaman, nilinaw ng SC na maaari pang magbago ang nasabing bilang o bumaba ang kabuuang bilang dahil mayroong mga pending withdrawals na naitatala ng kataas-taasang Korte.
Isasagawa naman ang Bar Exams sa 14 na testing center ngayong taon na kinabibilangan ng San Beda University-Manila; University of Santo Tomas-Manila; San Beda College Alabang, University of the Philippines-Quezon City; Manila Adventist College-Pasay City; at University of the Philippines, Bonifacio Global City, sa ilalim ng NCR.
Sa Luzon Area, isasagawa ito sa Saint Louis University-Baguio City; Cagayan State University-Tuguegarao City; at University of Nueva Caceres-Naga City.
Para sa Visayas Area, isasagawa ang bar Exams sa University of San Jose-Recoletos-Cebu City, University of San Carlos-Cebu City, at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation-Tacloban City.
Isasagawa naman sa Ateneo de Davao University-Davao City at Xavier University-Cagayan de Oro City ang Bar para sa mga kukuha rito na mula sa Mindanao.
Magsisilbi namang national Headquarters ng bar Exam ang San Beda College Alabang (SBCA)-Muntinlupa City.
Ngayong taon, si Justice Ramon Paul L. Hernando, ang magsisilbing committee chairperson.