-- Advertisements --
Sakahan 3

Posibleng maaapektuhan ang hanggang sa 1.1 million ha ng lupang sakahan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay.

Ito ay mula sa sampung rehiyon sa buong bansa na kinabibilangan ng region Region I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, at CAR.

Ayon sa Department of Agriculture, kinabibilangan ito ng 845,710 ektarya ng pananim na palay, at 341,556 ektarya ektarya ng maisan.

Dahil dito, inaabisuhan ng kagawaran ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim na palay at mga HVCC bago pa man ang mga malalakas na hangin at mga pag-ulan.

Maliban dito, inabisuhan din ng kagawaran ang mga magsasaka na linisin ang mga daluyan ng tubig sa mga irigasyon at mga pilapil upang maiwasan ang mga pagbaha.

Pinaalalahanan din ng kagawaran ang mga mangingisda na hanguin ng maaga ang kanilang mga isda at ipagpaliban na ang pamamalaot, lalo na s amga lugar na maaaring makaranas ng malalakas na hangin na magdudulot ng matataas na daluyun.

Nangako naman ang Kagawaran ng Pagsasaka na ipagpapatuloy nito ang paghahanda ng mga ayuda para sa mga maaapektuhang magsasaka at mga mangingisda sa buong bansa.