-- Advertisements --

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na inaasahan ang 1 milyong dadalo para sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong taon.

Sinabi ni Manila City Administrator Bernie Ang na dahil sa dami ng inaasahang bisita, humingi sila ng tulong sa Manila Police District para sa karagdagang seguridad.

Kaugnay nito ay matatandaang idineklara ang Pebrero 9 na special holiday para sa Chinese New Year ngayong taong kasalukuyan.

Magkakaroon ng fireworks display sa February 9.

Susundan ito ng float parade sa susunod na araw, kung saan aabot sa 40 floats ang kalahok.

Ipapatupad ng pamahalaang lungsod ang traffic rerouting sa lugar dahil sa gaganaping parada.

Ang mga restaurant sa Chinatown ay mag-aalok din ng mga diskwento bilang bahagi ng pagdiriwang.

Bukod sa Chinese New Year, naghahanda na rin ang Maynila para sa pagdiriwang ng 430 taon ng Manila Chinatown na kung saan ang pinakamatanda at pinakamalaking Chinatown sa buong mundo.

Una na rito, sa February 18, magkakaroon ng lantern parade, at iba pang aktibidad na may kinalaman sa pagdiriwang ng Chinese New Year.