Ibinida ng Metro Manila Council ang naging smooth at matagumpay na pilot implementation ng single ticketing system sa Metro Manila.
Ito ay matapos na umabot sa mahigit 1,000 mga motorista ang nahuli ng mga traffic enforcers sa rehiyon sa unang tatlong araw pa lamang ng pagpapatupad ng single ticketing system.
Ayon kay Metro Manila Council chair at San Juan City Mayor Francis Zamora, kaugnay nito ay hinihintay na lamang aniya ng mga local government units ang pagdating ng mga handheld gadgets at devices na magmumula sa Metropolitan Manila Development Authority na magagamit ng mga otoridad para sa mas mabilis na paghuli sa mga pasaway na motorista.
Habang kasabay nito ay sinabi rin ni Zamora na umaasa siya na maisasagawa na ang full implementation ng single ticketing system sa pagsapit ng ikatlong bahagi ng taong 2023.
Samantala, sa ngayon ay umiiral na ang pilot testing ng single ticketing system sa limang lungsod ng Metro Manila.