-- Advertisements --

Nasa Las Vegas Nevada na ang pamilya Paquiao, ilang araw bago ang nakatakdang laban ng nag-iisang 8-Division world champion sa Hulyo-20.

Kasama ni Manny ang kaniyang maybahay na si Jinkee at ang kanilang limang anak.

Sa isang post sa kaniyang social media account, tinukoy ng Filipino boxing legend ang pamilya bilang pinakamahalaga sa lahat, bagay na kaniya umanong ikinagagalak na makumpleto silang lahat sa Vegas.

Nakatakda ang comeback fight ni Pacquiao sa Hulyo-20 sa MGM Grand Arena laban kay World Boxing Council welterweight champion Mario Barrios.

Susubukan ni Pacquiao na agawin ang welterweight belt ng American boxer.

Ito ang unang pagkakataon na lalaban ang Filipino boxer mula noong matalo siya kay Yordenis Ugas noong 2021. Nagtapos ang naturang laban sa unanimous decision pabor sa Cuban boxer.

Sa kasalukuyan ay hawak ni Pacquiao ang 62-8 win-loss record sa edad na 46 habang mayroon namang 29-2 record ang 30-anyos na si Barrios.