-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 1,000 mga pasahero ang nananatiling stranded sa mga pantalan ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ito ay sa gitna pa rin ng kasulukuyang tigi-operasyon ng nasa 92 mga pantalan sa buong bansa.
Sa ulat ng NDRRMC, umabot na sa 1,028 ang kabuuang bilang ng mga stranded passengers mula sa MIMAROPA, Regions 6, 8, at NCR.
Kaugnay nito ay hindi pa rin pinahihintulutang maglayag ang nasa 169 na mga rolling cargoes, 23 vessels, at 6 na motorbancas mula sa iba’t-ibang rehiyon sa ating bansa.
Kasabay nito ay inabisuhan naman ang mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa mga kinauukulan upang mabatid kung tuloy o hindi ang kanilang mga biyahe upang maiwasan na rin ng mga ito na mastranded sa mga pantalan.