-- Advertisements --
gunban

Patuloy pang lumolobo ang bilang ng mga indibidwal na naaaresto ng Pambansang Pulisya nang dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban sa bansa ilang araw bago ang gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa datos na inilabas ni PNP Public Information Office chief PCOL Jean Fajardo, mula noong Agosto 28 hanggang Oktubre 25, 2023 ay pumalo na sa 1,841 ang bilang ng mga nahuhuling gun ban violators sa bansa.

Bukod dito ay umabot din sa 1,393 na mga loose firearms ang nakumpiska ng pulisya mula sa iba’t-ibang checkpoint operations.

Habang mayroon namang 1,635 na mga barik ang kusang isinuko sa mga otoridad, at 2,298 naman ang idineposito for safekeeping.

Kasabay nito ay muli namang tinayak ng PNP na mas paiigtingin pa nito ang kanilang isinasagawang operasyon upang matiyak na naipapatupad ng maayos ang gun ban sa bansa partikular na sa mga lugar na tinukoy ng mga otoridad na nasa red, orange, at yellow category.