-- Advertisements --

Hindi bababa sa 67 katao ang naitalang lumikas sa Bacolod City patungo sa mga evacuation centers dahil sa Tropical Depression Wilma.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Social Services and Development (DSSD) ng lungsod, mula sa naturang bilang , 43 dito ay kabilang sa mga pasaherong na stranded sa BREDCO Port.

Ang mga ito ay hindi pinayagang makapaglayag o bumyahe dahil sa masamang lagay ng panahon na dulot ng bagyo.

Aabot naman sa siyam na pamilya o 24 na katao ay kaagad na lumikas  kabilang na dito ang mga bata, matatanda ay mga residenteng may sakit.

Namahagi naman ng tulong ang Department of Social Services and Development (DSSD) ng lungsod sa mga lumikas nitong residente.