Mayroong mahigit 1.5 milyong mag-aaral ang nakinabang sa LIbreng Sakay Program ng Light Rail Transit o LRT line 2.
Ayon sa datos ng Light Rail Transit Authority o LRTA, na mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 3 ay mayroong 1,563,153 na mga mag-aaral ang nakinabang sa nasabing programa.
Inilunsad ang nasabing programa para makatulong sa mga magulang ng mga mag-aaral na apektado ng COVID-19 pandemic dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin.
Nakatakdang magtapos na ang libreng sakay ng LRT 2 ngayong Nobyembre 5 kaya hinikayat nila ang mga mag-aaral na samantalahin ito.
Paglilinaw pa rin ng LRTA na magbibigay pa rin ng 20 percent na discount sila sa mga mag-aaral na sasakay sa LRT 2 basta magpakita sila ng school ID o ebedensiya na sila ay nakapag-enroll.