-- Advertisements --
Mayroong mahigit 1.2 milyon reserve force ang bansa na aasahan sa panahon ng matinding kalamidad at giyera.
Sinabi ni Vice Admiral Rommel Reyes, ang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang nasabing bilang ay maaring imobilize.
Dumalo si Reyes sa pagdinig ng Senate committee on national defense.
Dagdag pa nito na ang nasabing mga reserves ay kinabibilangan ng ready reserve, affiliated reserve at standby reserves.
Paglilinaw ito na ang nasabing mga reserve forces ay hindi lamang sa pagtanggol ng seguridad ng bansa at sa halip ay para sa pagtulong sa development ng bansa.