-- Advertisements --
Pinayuhan ng Israel Defense Forces (IDF) ang nasa 1.1 milyon na mamamayan nila sa northern Gaza na lumikas na.
Ayon sa IDF spokesperson Lt. Col. Peter Lerner na pinayuhan na sila ng United Nations dahil sa dumaraming mga sibilyan ang naaapektuhan.
Isinagawa ang relocation order matapos na tawagan nila ang 300,000 reservist para malawakang pag-atake sa Gaza.
Pinapapunta ng mga sundalo ng Israel ang mga sibilyan sa timog bahagi ng Gaza.
Gumamit na rin ang mga sundalo ng eroplano para maghulog ng mga papel na nag-aatas ng pagpapalikas sa mga resident.