Naniniwala si Speaker Martin Romualdez na malaking tulong ang Maharlika Investment Fund sa mga mahahalagang programa ng gobyerno.
” We view the proposed Maharlika Investment Fund Act as an effective vehicle to execute and sustain high-impact infrastructure projects, urban and rural development, agricultural support, and other programs that would generate more income and economic activity in the country,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Kagabi, pinagtibay na ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang House Bill 6608 o Maharlika Investment Fund, bago tuluyang matapos ang sesyon ng Kongreso para sa taong 2022.
Itoy matapos sinertipakahang urgent ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.ang nasabing panukala.
Nasa 279 lawmakers ang bumoto pabor sa panukala habang anim ang hindi.
Layon ng MIF Bill na lipunin ang pondo ng government financial institutions o GFIs upang ipampuhunan at makakuha ng mas malaking kita na siya namang ilalaan sa mga pambansang programa at proyekto ng pamahalaan tulad sa kuryente, agrikultura at transportasyon.
Magsisilbing paunang pondo ang P50 billion mula sa Landbank of the Philippines, P25 Billion mula Development Banks of the Philippines at 100% ng dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas, gayundin ang sampung porsyento ng gaming revenues mula PAGCOR at iba pang government-owned gaming operators.
Bubuo ng isang Maharlika Investment Corporation na siyang mamamahala sa MIF.
Tatayong chair ng board of directors ng korporasyon ang Finance secretary, habang kabilang sa mga miyembro ng board ang Chief Exectuive Officer ng MIC, presidente ng LBP at DBP at apat na independent directors na magmumula sa pribadong sektor, academe, business at investment sector.
Bilang bahagi ng safeguards ang tatlong audit layer, isang external, isang internal at ang Commission on Audit.
Bubuo rin ng Advisory Body na kinabibilangan ng DBM Secretary, NEDA Secretary, 2 miyembro mula private sector, presidente ng Philippine Stocks Exchange at Bankers association of the Philippines.
Binigyan din ng oversight powers ang Kongreso para lalo pang mabantayan ang operasyon ng MIF.
Papatawan din ng parusang pagkakalulong at multang P80,000 hanggang P5 million ang iba’t ibang paglabag at katiwalian tulad ng internal auditor collusion, pagsisilbi bilang intermediary sa graft and corrupt practices at pagiging sangkot sa graft and corrupt acts.
Ang iba pang violation ay papatwan ng pagkakakulong ng 6 hanggang 20 taon at multa na P1 million hanggang P3 million.
Nakapaloob din sa panukala na ang 25% net profit ng MIF ay ilalaan sa social welfare programs tulad ng poverty and subsistence subsidies para sa mga mahihirap nating kababayan.
Kasama rin sa probisyon ang “freedom of information” kung saan lahat ng dokumento ng MIF at MIC ay magiging accessible at bukas sa publiko kasama na ang SALN ng board of directors, risk management unit at advisory board.
Bukod sa MIF Bill, inaprubahan na rin ng Kamara sa 3rd and final reading ang dalawa pang priority measures ng Marcos jr administration.
Ito ay ang House Bill No. 1 An act Providing For Government Financial Institutions Unifified Initiatives to Distressed Enterprises for economic recovery at House Bill No. 6687 An Act Instituting a National Citizens Service Training Program in all Public and Private Tertiary Educational Institutions, Repealing for the Purpose Republic Act No.9163 otherwise known as the National Service Training Program Act and Appropriating Funds therefor.
Sa kaniyang address sa mga kapwa mambabatas, ibinida ni Speaker ang mga naging accomplishments ng 19th congress sa loob ng anim na buwan.
Pinasalamatan nito ang kaniyang mga kasamahan sa suporta lalo na sa pagpasa sa mga priority measures.










