Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund (MIF) Act na dagdag umano sa maaaring pagkunan ng pondo para sa mga itatayong imprastraktura nang hindi kakailanganing magtaas ng buwis o mangutang.
Sinaksihan ni Speaker Romualdez, ang paglagda ng Pangulo sa bagong batas sa Malacañang kanina.
Si Romualdez ang isa sa pangunahing may-akda ng MIF sa Kamara.
“As an additional vehicle for financing, the MIF is expected to widen the fiscal space in the near- to medium-term as it reduces heavy reliance on local funds and development assistance as the main financing mechanisms for infrastructure projects. It is envisioned to enable the government to execute and sustain high-impact and long-term economic development programs and projects without imposing new or higher taxes,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Ipinaliwanag din ni Romualdez na ang pagkakaroon ng alternatibong mapagkukuhanan ng pondo ay nangangahulugan na mas maraming mailalaang pondo para sa social services gaya ng pang-edukasyon at pangkalusugan.
Ayon kay Speaker Romualdez ang mga international investor gaya ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) at ilang kompanyang nakabase sa Amerika ay nagpahayag na ng interes sa MIF.
Kumpiyansa si Speaker Romualdez na ang MIF law ay magiging isa sa landmark legislation ng 19th Congress.
“The Fund intends to allow for profitable investment development projects while also ensuring that there is flexibility in the market activities of the MIC/MIF,” wika ni Romualdez.
















